Mr. CEO is my Secret Husband

CHAPTER 16 The Best Gift



"Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at ang puting kisame ang una kong nakita. Inilibot ko ang paningin sa buong kwarto at nakita kong nakaupo sa maliit na sofa si yaya. Nagbabasa ito ng magazine at hindi na napansin ang paggising ko.

"

Yaya...

"mahina kong tawag dito. Agad itong napatingin sa akin ng marinig ako nito. Mabilis itong tumayo at lumapit sa akin.

"Kumusta na ang pakiramdam mo iha, maayos na ba? Dyosko, hindi ko alam kung anong gagawin ko kanina. Mabuti na lang at nasa kabilang linya pa pala ang asawa mo. "Si Shai po ?" Tanong ko dito.

"Oo, andito sya. Kinakausap nya lang ang doctor mo. Kausap mo pala sya ng mawalan ka ng malay, at narinig niya ang sigaw ko. Naku mabuti na lang at dumating siya kaagad. " mahabang kwento nito sa akin. " maya maya ay narito na ulit yun.." Inalalayan ako nitong makabangon at makaupo ng maayos. Ilang sandali lang kaming naghintay at maya maya lang ay dumating na rin si Shai. Seryoso itong pumasok at dumiretso sa akin. " Yaya, mauna na po kayo, isama nyo na si Tatay Felix. Magluto po kayo ng sinigang at kare kare. Bumili na rin po kayo ng langka. " dirediretsong sabi nito at humarap pa sa akin " May gusto ka bang ipabili kay yaya?" Umiling lang ako dahil pinabili na nito ang gusto kong kainin. Agad na ring nagpaalam si yaya at lumabas na ng kwarto.

"Kumusta ang pakiramdam mo ?" Tanong nito sa akin.

"Ok na ako. Hindi ko nga alam kung bakit nawalan ako ng malay kanina. Marami naman akong kinain. Anong oras pala tayo uuwi ? Ano ang sa - "hindi ko na natuloy ang itatanong ko ng mahigpit ako nitong niyakap. "Thank you my wife... thank you so much " wika nito sa akin. Naguguluhan ako sa sinasabi nito. Halos hindi ako makahinga sa sobrang higpit ng yakap nito sa akin.

" Sa- sandali lang Shai, hindi ako makahinga. Ano bang sinasabi mo, hindi kita maintindihan." Awat ko dito. Bahagya itong lumayo sa akin at pinupog ako ng halik sa mukha ko.

"I'm the happiest man in the whole world right now... i mean i am the happiest dad " biglang nanlaki ang aking mga mata sa sinabi nito. Hindi naman ako tanga para hindi maintindihan yun. Agad ang pagbilis ng tibok ng aking puso kasabay ang pag iinit ng aking mga mata. Nagka titigan kami at unti unting nanlabo ang aking mga mata kasabay ng pag agos ng aking mga luha. Hindi ko maipaliwanag ang saya na aking nararamdaman. Agad akong yumakap dito at nagkaroon ng tunog ang aking pag iyak. Sobra sobra ang saya na aking nararamdaman ngayon. Thank you Lord, napakabait mo po sa amin.

"Shhhh, stop crying now, ok. Baka magtaka ang baby natin bakit tayo umiiyak " biro nito sa akin. Masuyo ako nitong hinalikan sa aking noo, sa aking pisngi na basang basa na ng luha at huli sa aking labi. Gumanti ako ng halik dito,. Ipinaramdam ko ang buong puso kong pagmamahal dito.

"Magiging nanay na ako Shai.. mag kaka baby na tayo" sabi ko dito. Hinawakan nito ang magkabila kong pisngi at ipinag dikit ang aming mga noo.

"Yes, my wife. It's a blessing from God. From now on, sa bahay ka na lang, ok. Alagaan mo ang sarili mo at ang magiging anak natin. " napa tango tango ako sa mga sinasabi nito. " and i will take care of you two "

Muli kaming nagyakap ng mahigpit. Pagkatapos makapag ayos ng hospital bills ay agad na rin kaming umalis at dumiretso na ng uwi ng mansyon. Hanggang makarating sa bahay ay hindi nito binitawan ang isa kong kamay. Nakangiti itong bumaba at pinagbuksan pa ako ng pintuan at saka inalalayan hanggang makapasok ng bahay.

"Congratulations" sabay sabay na wika ng mga kasama namin sa bahay. Si Yaya lourdes, ang driver, ang dalawa pang kasambahay at ang guard. Muli na naman akong naluha sa nakita ko. Wala man akong sariling pamilya na ay andyan naman si Shai at ang pamilya nya kasama ang mga kasambahay na naging malapit na rin sa akin. Isa isa nila akong nilapitan at binati.

"Marami pong salamat sa inyong lahat. Natutuwa po ako at lahat tayo ay masaya sa pagkakaroon namin ni Shai ng anak. Alam ko pong iingatan nyo akong lahat. Salamat po " naiiyak kong wika sa mga ito. Masayang masaya ako na sila na ang pamilya ko ngayon.

Masaya kaming nag salo salo sa pagkain ng hapunan. Tawanan at biruan ang nangyari. Todo alalay sa akin si Shai at lahat ng pagkain ay iniabot nito sa akin. busog na busog ako. Ramdam na ramdam ko ang pag iingat at pag aalaga nito sa akin. Tumagal pa ang kwentuhan at iniwan na namin sila sa baba. Umakyat na kami sa taas at iniwan silang nagkakasiyahan pa. Mabuti na lang at sabado na bukas, walang pasok sa trabaho si Shai.

Akala ko ay sa kwarto ko kami didiretso at doon matutulog, pero nagulat na lang ako ng nasa tapat na kami ng kanyang kwarto. Nakakunot noong napatingin ako dito. Hinawakan ako nito sa aking baywang at ang isang kamay ay ginamit para buksan ang pintuan ng kanyang kwarto. Napapikit ako ng bumukas ito sapagkat alam ko kung ano ang una kong makikita dito. Naramdaman ko ang paglapit nito sa akin.

"Open your eyes, my beautiful wife. " bulong nito sa aking tainga. Unti unti kong iminulat ang aking mga mata, napakunot noo ako ng hindi ko makita ang inaasahan kong dapat na makita. Inilibot ko ang tingin sa loob ng kwarto nito at pagkatapos ay nilingon ko sya. Tumango ito sa akin at niyakap ako buhat sa aking likuran.

"From now on, dito na tayo matutulog sa kwarto. Ipapa ayos ko na lang ang kwarto mo para maging nursery room ni baby. And don't worry, pinalipat ko na lahat ng mga gamit mo dito. I want us to start here, sleeping and waking up in the morning in each other's arm. " wika nito sa akin. Umupo kami sa kama doon at hinawakan nito ang dalawa kong kamay." i know i am not good at you the first time we meet, at kahit na noong dumating ka dito, but i want you to know na gusto kong magsimula ng bagong buhay with you and our baby. " tumigil ito sandali at tumitig sa akin " wala na kami ni charlotte since nakabalik ako from Paris. I saw here with another man. After that incident, i got drunk, and the next morning when i woke up, i realize, i have a wife who is always there for me, waiting for me. Napaka laki kong tanga na binalewala kita ng matagal na panahon. Maraming nasayang na pagkakataon, but not now. Sisiguraduhin ko na babawi ako sayo at sa baby natin " mahabang litanya nito sa akin. Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako umiiyak, iyak ng kaligayan. Hindi ko akalain na darating ang ganitong pagkakataon para sa aming dalawa. Mahigpit ko itong niyakap at doon sa dibdib nya tahimik akong umiyak. Thank you Lord, mahina kong bulong sa aking sarili.

Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"

Mas naging maingat at maalaga si Shai ng mga sumunod na araw. May mga pagkakataon pa na hindi ito pumapasok lalo na kapag masamang masama ang pakiramdam ko. Naging maselan ang pagbubuntis ko, madalas akong balisa at hindi mapakali. Marami din akong gustong kainin na matyaga naman nitong binibili.

Ngunit kakaiba ng gumising ako isang umaga, araw ng sabado at alas dyes na ako gumising. Pagkatapos maligo ay agad na akong bumaba at dumiretso sa kusina. Nakita kong nakatalikod si Shai at abala sa kanyang niluluto, napakunot noo ako ng maamoy ang niluluto nito. Sinangag na kanin. Agad akong napatakip ng aking ilong bago nagsalita.

"Ano ba yang niluluto mo Shai, pagkain pa ba yan? Ang baho naman" sita ko dito

Nakakunot noo itong lumingon sa akin. " sinangag to na may bacon, paborito mo ito diba?" Tanong nito sa akin.

Ayoko nyan, ang baho. Alisin mo yan dito. " reklamo ko sa kanya. Napakamot ito sa kanyang ulo at napailing. Inilagay nya ito sa isang baunan at tinakluban. Hinubad nito ang suot na apron at lumapit sa akin. Ngunit biglang nahilo ako at parang babaligtad ang sikmura ko.

"Ruth, are you ok? May masakit ba sayo? " nag aalalang tanong nito sa akin. Lalapit sana ito ngunit bahagya akong umatras dito

"Wag kang lalapit, ang baho mo. Ano bang pabango mo?" Tanong ko dito. Ayoko ng amoy nito at ayoko ding makita ang pagmumukha nito. Agad akong tumakbo sa banyo na malapit lang sa kusina at doon ay sumuka ako ng sumuka kahit na wala namang lumalabas. Ang sakit na ng tiyan ko at lalamunan. Sumasabay na rin ang pagluha ko sa sama ng aking pakiramdam. Narinig kong sumunod si Shai sa akin hanggang banyo. "Are you ok? Gusto mo bang pumunta na tayo ng hospital?" Tanong nito sa akin.

"No, pls Shai, lumayo ka muna sa akin. Ang baho mo, nakakainis ka. Wag mo muna akong lalapitan, pakiusap " wika ko dito at muli na naman akong sumuka.

"ok... ok, papupuntahin ko dito si yaya" tarantang wika nito sa akin at mabilis na lumabas ng banyo. Maya maya lamang ay narinig ko na ang pagdating ni Yaya Lourdes. Agad ako nitong inalalayan.noveldrama

Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Dyos Ko kang bata ka, ano bang nangyari?" Tanong nito sa akin. Naglinis ako ng aking mukha at nagmumog na rin.

"Naamoy ko lang naman po yung sinangag ni Shai, tapos nung lumapit sya sa akin bumaliktad na ang sikmura ko. Yaya, ang baho ni Shai. Ganito po ba talaga ang nagbubuntis. Nung nakaraan gusto ko sya lahat nagluluto ng kakainin ko, gusto ko sya palaging kasama at nakikita. Pero ngayon naiinis po ako sa kanya. Ang baho nya pa. " naguguluhan na rin ako sa aking sarili. Napatawa si yaya sa sinabi ko.

"Ganyan talaga ang buntis iha, pabago bago ang gusto. Naku, siguradong ang asawa mo ang pinaglilihian mo ngayon. Magtiis muna sya hangga't naglilihi ka pa. Normal lang ang ganyan ha, wag kang mag alala, maiintindihan ka naman nun. " paliwanag nito sa akin. Tumango na lamang ako sa sinabi nito. Nang maayos na ang pakiramdam ko ay lumabas na kami ng banyo.

"Yaya, asan si Kuya Guard?" tanong ko pagkaupo namin ng sofa sa sala ng bahay.

Napakunot noo itong napatingin sa akin. " hah, bakit naman hinahanap mo si Jonathan?"

"Gusto ko po sana magpabili ng bayabas. Yung malaki po, ang sarap, natatakam ako." Napapikit pa ako at inimagine ang bayabas.

"Ganoon ba, sige at tatawagin ko lang. Maupo ka lang dyan " sabi nito sa akin at lumabas na para puntahan ang guard ng mansyon. Saglit lang akong naghintay at dumating na ito kasama si yaya.

"Kuya Jonathan, samahan mo ako sa palengke, bibili tayo ng bayabas na malaki." Sabi ko dito.

"Sige po mam, tara na po" sabi nito sa akin pero hindi ako tumayo sa pagkakaupo ko.

":

Tawagin mo si Shai, papuntahin mo dito" wika ko dito na agad naman nitong sinunod. Maya maya pa ay dumating na ang nakangiting si Shai ngunit agad din itong napakunot noo ng makitang nakatabon ang aking ilong.

"Aalis kami ni Kuya Jonathan, bibili kami ng malaking bayabas. Ikaw muna ang guard sa labas hah, hubby" wika ko dito na ikinalaki ng mga mata nito. Napakamot naman sa noo si kuyang guard at tahimik na natatawa si yaya." Kuya, pahiramin mo muna si Shai ng extra uniform mo, sya muna ang guard ngayon ng mansion. " nakangiti kong sabi dito.

"WHAT?" malakas ang boses na tanong ni Shai sa akin na pumuno sa buong kabahayan.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.