Chapter 33: Look familiar
NAPASUNTOK sa pader si John Carl, nang sinabi ng kaniyang mga magulang ang findings sa kalusugan ng kaisa-isang kapatid. "Kasalanan ko ang lahat ng ito!" Kuyom niya ang kamao na dumudugo na.
"Tama na, hijo, may kasalanan rin ako kung bakit ito nangyari sa kaniya!" Inawat ni David ang binata sa pagsuntok muli nito sa pader.
"Ang anak ko!" Patuloy sa impit na pag-iyak ang kanilang ina sa isang tabi. Hindi niya matanggap na may gumalaw sa katawan ng dalaga at hindi nito maalala.
"Mom, Dad?" Tawag ni Jhaina sa inaantok na diwa sa mga magulang nito. Rinig niya ang komosyon sa paligid at ang iyak. Ngunit hindi niya maintindihan at matukoy kung sino dahil namimigat pa rin ang talukap ng mata. Hinihila rin ang diwa sa karimlan dala ng gamot na itinurok sa kanya kanina.
Pinunasan muna ni Lucy ang pisngi na basa ng luha bago lumapit kay Jhaina. "Anak, may masakit ba sa iyo?"
"Umiiyak po ba kayo, Mom?" Nakapikit na tanong nito sa ina dahil sa timbre ng boses nito ngayon.
Tumikhim muna ang ginang bago sumagot sa anak. "Hindi hija, huwag mo akong alalahanin at masaya ako dahil nakita ka na namin at ligtas." Ginagap niya ang kamay ng anak na nakapikit pa rin.
"Nasaan po sina Daddy at Kuya John?"noveldrama
"Narito kami, hija, matulog ka muli at ipanatag mo ang iyong isip. Hindi kami aalis sa iyong tabi hanggang sa iyong paggising."
Napangiti si Jhaina kahit hindi nakikita ang ama. Masaya siya dahil hindi na ito galit sa kanya at ramdam niya muli ang labis na pagmamahal sa kanya ngayon ng buong pamilya.
...
"WHERE is she?!" Bulyaw ni Zoe sa kanyang private tutor nang hindi mahagilap si Tintin sa kanyang condominium.
Iniwan niya kanina ang dalaga doon kasama si Lyca, ang kanyang tutor sa pagsasalita ng tagalog.
"Sir, I tried my best to stop her, but she ran outside and I don't know where did she go." Hindi mapakali na sagot nito sa amo.
"Hi, Honey!"
Pinukol ni Zoe nang nagbabantang tingin ang babaeng nasa kanyang harapan ngayon. Ito ang dahilan kung bakit galit na umalis si Tintin ng bahay.
"Shut up your fucking mouth!" Lapat ang ngipin na nilampasan si Trixe. Ex niya ito at isa ring Pilipina, kinabaliwan niya noon pero sinayang nito ang kanyang tiwala at pagmamahal.
"C'mon, honey, she can't even compare to me. You just like her because she looks like me!" Mabilis niyang sinundan ang lalaki na lumabas ng pintuan. Hindi siya natatakot sa galit na nakikita sa mukha nito ngayon. Alam niya na mahal pa rin siya nito at gagawin niya ang lahat upang maibalik ang dating sila.
"Get lost! We're over, so please leave me alone!" Angil nito sa babae at nagpatuloy sa paglakad. Kailangan niyang mahanap ang kaniyang asawa dahil baka napaano na ito.
"I will do everything to win you back, Zoe, you're only mine!" Galit na sigaw ni Trixe habang sinusundan ng tingin ang papalayong binata.
"Ano ang tinitingin-tingin mo riyan?" Mataray niyang tanong kay Lyca nang mapansin ang pri
presensya nito sa kanyang tabi.
"Ah Ma'am, mawalang galang na po pero saksi ako sa sobrang pagmamahal ni Sir Zoe sa kanyang asawa. Sana po ay huwag niyo na silang guluhin."
"Estupida!" Mabilis ang kamay na nasampal ang babaing kaharap. "Next time huwag kang makialam, kasal lamang sila sa papel at ako ang mahal ni Zoe, hindi siya!"
"Tama lang na ayaw na sa iyo ni Sir, ang sama ng ugali mo!" Galit na wika ni Lyca habang hawak ang nasaktang pisngi.
"Aba't.."
"Huwag kang magkamali na saktan muli ako na bruha ka!" Kuyom ang kamao na sansala niya sa ibang pang sasabihin nito.
Matalim na irap ang binigay ni Trixe sa babae bago padabog na iniwan ito.
"Gaga iyon ah, hindi ako nakaganti!" inis na bulong ni Lyca sa sarili.
Bagsak ang balikat na bumalik si Zoe sa kanyang tinutuloyan. Halos pinuntahan na niya lahat ng lugar na alam niyang maari tambayan ng asawa ngunit bigo siyang makita ito roon. Nagising siya sa tunog ng kaniyang cellphone, mabilis na sinagot sa pag-aakala na ang kanyang asawa ang tumatawag.
"My wedding will be on next week, are you coming or what?"
Nadisamaya si Zoe nang magsalita si Mark sa kabilang linya.
"I'll be there before the day of your wedding." Kulang sa sigla na sagot sa kausap.
"Do you have a problem?" Maiksing tanong ni Mark nang mahamig ang lungkot sa boses ng kaibigan.
"She left me!" ani nito at pahapyaw na kinuwento sa kaibigan ang nangyari.
"I'm so curious about that girl, you married her without me and the others."
Ang iba pa nilang kaibigan ang tinutukoy ni Mark. Nagulat na lang siya nang sabihin nito sa kanya isang linggo na ang nakaraan na may asawa na ito at ni hindi pinakilala sa kanila ang babae. Nasa boracay siya at nasa Makati naman ang huli kung kaya hindi pa sila nagkikita mula nang umalis ito sa isla kasama si Jamel.
"Ipakilala ko sana siya sa iyo sa araw ng iyong kasal."
Napailing si Mark sa kabilang linya. Mukhang tinamaan nga ng husto ang kaibigan sa babaing iyon dahil nagporsige pa ito sa pag-aaral ng salitang tagalog.
"You're a fast learner ha, you can speak tagalog now." Tumatawa pa niyang puri sa kaibigan.
"Do you think, she's gonna love me more kapag tuwid na akong magsalita ng tagalog?" umaasam niyang tanong sa kaibigan. Kahit bakwit ang dila sa pagsalita ng ganoong lengwahe, sinasanay pa rin niya ang sarili na magsalita ng tagalog. Tawa lang ni Mark ang narinig niya dito bilang sagot. Kahit sa english ay mediyo hirap din siya at shortcut minsan ang pagbigkas.
Napangiti siya nang maalala ang unang pag-uusap nila ni Tintin. Ang taray ng kanyang asawa na lalo niyang minahal sa maiksing panahon na nakasama ito. Lagi niyang hawak ang cellphone noon habang sila ay nag-uusap at nire-record niya sa google translator ang lahat ng sinabi nito upang kanyang maintindihan.
"You have to learn how to speak my language, don't depend on that google because sometimes the translation is not accurate."
Nakasimangot ito na kinuha sa kanyang kamay ang cellphone.
"Tsk, you finally speak English? You've given me a headache, Young Lady!" Napakamot sa ulo na wika niya, halos maghapon na silang nag-uusap mula nang magising ito pero ngayon lang ito nagsalita ng ganoon lengwahe.
"Kung gusto mong tumagal ang pagsasama natin, mag-aral ka ng salita ko." Umirap ito sa kaharap, magaan ang kanyang loob kahit estranghero ito sa kanyang isip at paningin ngayon kung kaya naniwala siya sa pinagtagni nitong kwento na mag-asawa sila.
"I will, baby, kukuha ako tutor!" Malapad ang ngiti at liyad pa ang dibdib nang masambit ang huling kataga nang walang palya.
"Sir?" tawag ni Lyca sa lalaki na tila nag de-day dreaming sa upuan. Inutosan siya nito na ihanda ang damit nito dahil paalis.
"What do you need?" Bakwit na naman ang dila na tanong sa kaharap. Nainis siya dito dahil naputol ang kanyang pagbabalik tanaw noong kausap niya ang babaeng iniibig.
"Sir, your luggage is ready." Alanganin na ngumiti si Lyca dito.
"Be ready, you have to come with me."
Excited na nagligpit ng gamit si Lyca, sa wakas ay makakarating siya sa matagal na niyang gustong puntahan na lugar at libre.
Pagdating ng Boracay, inulan si Zoe ng mga tanong ng kaibigan. Tinawanan siya ng tatlo ng e-kuwento ang nangyari. Tanging si Mark lang ang hindi tumawa at nakisimpatya sa kanyang damdamin ngayon.
Do you have her picture, Dude?" Tanong ni Troy nang mahimasmasan sa pagtawa.
"It's our privacy, so don't bother to ask me to show it to you."
"What the heck! Don't tell us that you did a sex video with her?" Nakamulagat ang mga mata at panabay na tanong ng tatlo niyang kaibigan. Si Mark ay napailing nang tumango siya. Iniwan na sila nito dahil kailangan magpahinga at kasal na nito kinabukasan.
"C'mon, dude, just show us her face. How can we help you to find her if we don't have any idea what her face looks like?" Pamimilit ni Troy sa kaibigan. Naintriga na rin siya sa mukha ng babae dahil ang kanilang kaibigan na womanizer ay nagkandarapa ngayon sa paghahanap dito. And the worst thing is, nagpa-secret marriage pa ang dalawa.
Muntik na magkaumpogan ng ulo ang tatlo nang magkapanabay silang sumilip sa screen ng cellphone ni Zoe. Naka wallpaper ang mukha ng babae sa cellphone nito at napahanga silang lahat sa ganda ng babae. "Beautiful!" ani Xander, isa sa kaibigan niya na maginoo pero medyo bastos.
"Sexy!" puri naman ni Khalid, ang manyak sa kanilang lahat.
"I have nothing to say but perfect!" Sumisipol na sambit ni Troy, ang pinakamadaldal sa kanilang lahat.
"Wait, she looks familiar!" Naningkit ang mga mata na wika ni Troy habang tinututok ang hintuturo sa sintido.
"They say everyone have a twin out there," pamimilosopo na turan ni Xander.
"Yeah, yeah, yeah yeah!" Kumakanta na sabat ni Khalid.
"I'm serious here!" Sinapok ni Troy sa batok ang dalawang kaibigan.
"Stop joking guys, this is a serious matter for me!"
Napatigil sa pagbiruan ang tatlo nang makita ang seryosong mukha ni Zoe. Hindi lang magkasosyo sa negosyo ang samahan nilang lima, buddy pa since highschool at hindi nag-iiwanan sa ere.