Chapter 1
Chapter 1
Here we stand today like we always dreamed, starting out our lives forever. Night is in your eyes, love
is in our hearts. I can't believe you're really mine forever...
Halo-halong emosyon ang lumukob kay Christmas habang naglalakad palapit sa altar. Gusto niyang
matuwa dahil ang araw na iyon ang katuparan ng matagal na niyang pinapangarap, ang maikasal kay
Throne, ang lalaking tanging minahal niya. Pero kahit na katiting na tuwa ay wala siyang makapa sa
puso niya nang mga sandaling iyon.
Humigpit ang pagkakahawak ni Christmas sa bouquet nang malinaw na niyang makita ang gwapong
mukha ni Throne. Matamis na ngumiti ang binata sa kanya. Muli ay nakaramdam siya nang matinding
pangamba. She wanted to smile to show her family and friends that she was fine. But she couldn't do
it... because deep inside, she was broken.
"Just say the word, Chris. Nasa labas lang ang kotse ko. You still have time."
Ang mga salitang iyon ng Kuya Jethro niya ang nagpagising kay Christmas. Pinilit niyang ngumiti
pagkatapos ay sinulyapan ang nag-aalalang mukha ng kapatid. "Mahal ko siya, Kuya Jet."
"Siya ba, mahal ka?"
Natahimik siya. Nang makarating na sila malapit sa altar ay kitang-kita niya ang pag-aalinlangan sa
mga mata ng kanyang Kuya Jethro nang iabot ang kanyang kamay kay Throne. Tinanguan niya ang
kapatid at siya na ang kusang kumawala rito.
"'Wag kang magkakamaling saktan ang kapatid ko, Throne Madrigal. You haven't seen me at my
worst."
"Do you believe in karma, Jethro?" sa halip ay sinabi ni Throne pagkatapos ang ilang segundong
pananahimik. Unti-unting sumibol ang kaba sa dibdib ni Christmas sa nakikitang pagtatagisan ng tingin
ng dalawang lalaki.
"What in the world are you talking-"
Tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Throne. "Oh, you mean you don't know anything about karma?
Then let me tell you something about it. It strikes."
Christmas had anticipated so many scenarios but never in her wildest dreams had she anticipated this.
Nagsimulang mamasa ang kanyang mga mata. Sinubukan niyang pigilan ang pagpatak ng mga luha
pero hindi niya magawa. Nagsisikip ang dibdib na napapikit na lang siya nang mariin...
Chapter One
"THERE'S just so much a brother can take," nagtatagis ang mga bagang na naibulong ni Throne
habang nakatitig pa rin sa tulalang si Cassandra, ang bunso at nag-iisa niyang kapatid. Halos
dalawang linggo nang naka-confine si Cassandra sa ospital buhat nang makunan dala ng matinding
depression nang iwan ito ng boyfriend.
Kumuyom ang mga kamay ni Throne nang makita ang muling pagtulo ng mga luha ng kapatid at unti-
unti ay lumakas ang pag-iyak hanggang sa mag-hysterical ito. Walang nagawang pinindot niya ang
buzzer malapit sa kama. Ilang sandali pa ay pumasok ang doktor kasama ang dalawang nurse. Nang
tangkang muling tutusukan ng pampakalma si Cassandra ay mabilis na lumabas na siya ng kwarto,
umupo sa isa sa mga silya roon pagkatapos ay frustrated na naihilamos ang mga palad sa kanyang
mukha.
Mula nang magkamalay si Cassandra noong nagdaang araw pagkatapos ang insidente ay naging
ganoon na ang kapatid niya, tulala. Ayon sa doktor ay labis na naging traumatic para sa kanyang
kapatid ang nangyari at gusto iyong kalimutan sa pamamagitan ng pagtakas sa realidad.
"He left me, Kuya! He left me when he found out I was pregnant! He left me!" Napahugot si Throne ng
malalim na hininga nang maalala ang sinabing iyon ng umiiyak na si Cassandra nang tawagan siya.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko, Kuya Throne. Ang sakit. Ang sakit-sakit."
Nang mga sandaling iyon ay gusto ni Throne na puntahan kaagad si Cassandra pero kasalukuyan
siyang nakatali noon sa isang business conference sa China. Kinabukasan ay nakatanggap siya ng
panibagong overseas call mula sa kanilang mayordoma at ipinaalam na itinakbo ang kanyang kapatid
sa ospital.
He shut his eyes as mixed emotions flitted across his face. Cassandra was all he had. Ang mga
magulang nila ay nasa magkabilang panig ng mundo at may kanya-kanya nang buhay. Bata pa lang
sila ay madalas na nilang masaksihan ang pagtatalo ng mga magulang hanggang sa mapagpasyahan
ng mga ito na maghiwalay noong disi-sais anyos siya at magwawalong taong gulang naman si
Cassandra.
Nang magtrabaho ang mga magulang sa ibang bansa ay naiwan sila sa poder ng kanilang abuelo, sa
side ng kanilang ama pero hindi rin sila napalapit sa matanda dahil masyado itong istrikto. Kaya naman
laking gulat niya nang bago yumao ang kanyang abuelo noong beinte-cuatro anyos na siya ay sa
kanya nito ipinamana ang Madrigal Lending company, na ang abuelo niya mismo ang nagtatag.
Kunsabagay, wala namang hilig doon ang kanyang ama na nag-iisang anak nito.
Ang pintor na ama ni Throne ay may sarili nang pamilya sa Amerika habang ang kanyang ina naman
ay ilang ulit nang nagpalit ng kinakasama. Greeting cards na lang ang ipinadadala ng mga magulang
kung kailan gustuhin ng mga ito.
Throne had lost faith in love. His parents denied him the chance to believe that such an emotion
existed. That was why he was so worried when Cassandra told him one day that she was in love.
Natali siya sa mga trabaho sa opisina at si Cassandra naman ay sa mundo ng pagmomodelo kaya
halos bihira na rin silang magkita. Hindi na niya gaanong nabantayan ang kapatid sa nakalipas na mga
buwan.
Dalawang buwan pa lang ang nakararaan nang masaya pang ipakilala sa kanya ni Cassandra si Jethro
bilang boyfriend, ang kaklase niya noong kolehiyo sa UP. Nabigla siya nang malaman na kalahating
taon na pala ang relasyon ng dalawa. Sumang-ayon siya sa relasyon ng dalawa tutal naman ay
masaya ang kapatid niya kay Jethro bukod sa wala namang masamang record ang lalaki. Pero
ngayon...
He felt a burning flame in his chest. Ni wala man lang siyang ideya na nabuntis ni Jethro ang kanyang
kapatid. Muling dumilim ang kanyang anyo.
"Pasensiya ka na, ngayon lang ako nakadalaw."
Napadilat si Throne sa narinig na boses. Bumungad sa kanya ang nag-aalalang mukha ng pinsang si
Brylle na siya ring pinakamatalik niyang kaibigan.
"Kumusta na, bro? You look-"
"Oh, I'm great, buddy. I'm having the time of my life seeing my sister suffer while that bastard ex of her
is probably... walking on sunshine somewhere."
Napailing si Brylle pagkatapos ay may inihagis na envelope sa kanya. Mga litrato iyon ni Jethro Exclusive content from NôvelDrama.Org.
kasama ang isang napakagandang babae na hindi nalalayo ang itsura sa lalaki. Nahulaan niyang ito si
Christmas, ang nag-iisang kapatid ni Jethro na minsan na rin niyang nakita. Kuha iyon sa Brylle's na
pag-aari ng pinsan.
Napangisi si Brylle. "The Llaneras siblings are back in the country, Throne. In fact, si Christmas, ang
katabi ni Jethro sa picture, ay kakanta na sa Brylle's gabi-gabi kasama ang banda niya simula next
week." Mayamaya ay nagseryoso ang pinsan. "So what's the plan? Kung gusto mong gantihan ang
Jethro Llaneras na 'yan, just say the word, man... and I'm in."
"Oh, come on. I know the law. That's animal cruelty." Humigpit ang pagkakahawak ni Throne sa mga
litrato. "I'm gonna explore new territory, Brylle. Kapatid sa kapatid. I'm gonna crush Jethro's world the
same way he crushed my sister's." His jaw clenched . "Ipaparanas ko sa kapatid niya kung ano mismo
ang naranasan ni Cassandra."
"THE WORLD doesn't need another twenty-four year-old beautiful single," pagre-recite ni Christmas sa
puntod ng mga magulang. Isa iyon sa mga binitiwang linya ng abuela nang tawagan siya nito sa
telepono ilang oras pa lang ang nakararaan. "Alam naman ni Abuela na limited edition na lang ang
matitinong lalaki sa mundo pero kung makapagsalita siya, parang napakadaling maghanap ng
mapapangasawa."
She sighed. Her grandmother had lost hope that her brother Jethro would get married someday. Mas
naging workaholic ang Kuya Jethro niya nang maghiwalay ito at ang girlfriend nito na hindi man lang
niya nakilala. Ni ayaw ngang pag-usapan ng kapatid ang babae. Mula noon ay siya na ang
pinagdiskitahan ng abuela. Dahil sila lang ang apo nito sa nag-iisang anak na siyang ama nila, naging
malapit ang abuela sa kanila. Gusto nitong makita ang apo sa tuhod bago man lang daw ito yumao.
Kaga-graduate pa lang ni Christmas sa elementary nang mamatay sa kidney cancer ang kanyang ina.
Pagkalipas ng tatlong taon ay sumunod ang kanyang ama na noon ay kahahalal lang bilang
gobernador sa kanilang bayan. Pinagbabaril ng mga armadong lalaki ang kotseng sinasakyan nito.
Ang hinala ng kanilang mga kamag-anak ay natalong kalaban sa politika ng kanilang ama ang gumawa
niyon pero kapos ang kanilang ebidensya.
Mula noon ay naging overprotective na kay Christmas ang Kuya niya na pitong taon ang tanda sa
kanya. Pinasunod siya ng kapatid sa abuela nila sa Spain at doon pinag-aral samantalang nanatili
naman sa bansa ang kapatid para pamunuan ang kabilang airline company.
Ngayon ay halos tatlong linggo pa lang na nakababalik si Christmas mula nang sunduin siya roon ng
Kuya Jethro niya. Ilang linggo ring nanatili roon ang kuya niya bago sila sabay na umuwi sa Pilipinas.
Sa pagbabalik niya ay pagbabanda kaagad kasama ang isang kinakapatid at dalawang pinsang babae
ang kanyang inatupag habang kasalukuyan pa lang na ipinatatayo ang Italian restaurant na balak
niyang gawing permanenteng negosyo dahil hilig niya ang pagluluto na pumapangalawa na lang sa
pagbabanda.
"Nakahanap naman na po sana ako ng matino. Noon pa nga po." A dreamy look crossed her face.
"Pero 'di ko pa po siya nakikita mula nang bumalik ako. 'Guess I just have to find him again." Sandali
siyang pumikit at inalala ang gwapong mukha ng binata.
First year high school pa lang si Christmas ay mahal na niya si Throne. Kaklase si Throne ng kuya niya
sa UP sa kursong Business Management. Nakilala niya ang binata noong nagpunta ito sa bahay nila
para gumawa ng thesis.
"I love Throne Vincent Madrigal, Daddy. And I'm gonna marry him," naalala pa ni Christmas na sinabi
sa ama na tinawanan lang siya.
"Kapag twenty-one ka na't ganyan pa rin ang nararamdaman mo, saka mo sabihin sa 'kin ang mga
salitang 'yan," amused pang sinabi ng kanyang ama. She was twenty-four now and nothing had
changed. Marami siyang nagguguwapuhang lalaking nakilala sa ibang bansa pero hindi siya
nakaramdam ng malakas na pagtibok ng puso isa man sa mga iyon. Only Throne could make her heart
react that way. Because the very first time she saw him walk through their door, she knew she was
going to love him. Pero hindi siya pinansin noon ni Throne... magbabago na kaya iyon ngayon?
Muling napabuntong-hininga si Christmas pagkatapos ay napasulyap sa kanyang relo. Alas-kuwatro y
medya na ng hapon. Kulang dalawang oras pa ang biyahe niya papunta sa Brylle's para sa gig ng
kanilang banda. Tumayo na siya.
"Basta, I'll make him love me, folks. Hindi ako papayag na hindi kami magkatuluyan. Handa na ang
wedding vow ko para sa kasal namin," determinadong wika niya pagkatapos ay tumalikod na.
Nadaanan pa ni Christmas ang isang nakatalikod na lalaki ilang hakbang ang layo sa puntod ng
kanyang mga magulang. Nagkibit-balikat siya pagkatapos ay tinahak na ang daan palabas ng
sementeryo para lang mapatili sa nabungarang lalaki na kasalukuyang binabaril ang gulong ng kotseng
iniregalo sa kanya ng kuya niya. Basag din ang mga salamin ng sasakyan.
Lumingon ang lalaki kay Christmas. "Hello, babe. Tapos ka na bang makipag-usap sa in-laws ko?"
"Marcus! Ano'ng ginagawa mo rito? Akala ko nasa rehab center ka?" Malikot ang mga matang
napatingin siya sa kanyang paligid. Walang katao-tao. Nanlaki ang kanyang mga mata nang mapansin
ang nakahandusay na guwardiya hindi kalayuan sa kanila.
"Umalis ka kasi agad, eh. 'Di mo tuloy nakitang nakalaya ako." Ngumisi si Marcus. Lalong kinabahan si
Christmas. Dati niyang manliligaw sa Spain ang lalaki na mula nang bastedin niya ay hindi na siya
pinatahimik. Ang huling balita niya, ipina-rehab na ang lalaki ng mga magulang dahil nalulong ito sa
droga.
Nang tangkang lalapitan siya ni Marcus ay takot na napatakbo si Christmas pabalik sa sementeryo. Sa
nerbiyos ay hindi na niya napansin ang lalaking papalabas naman. Nabangga siya sa para bang pader
na katawan ng lalaki dahilan para mawalan siya ng balanse at matumba. Mabuti na lang at maagap
siyang nahawakan nito sa kanyang baywang.
Sa sobrang takot ay napaiyak si Christmas. "Help me, please."