As Long As My Heart Beats

Chapter 6



Chapter 6

“OUT OF SIGHT, out of mind.” Giit ni Brett sa sarili saka pumasok na sa kanyang opisina matapos

niyang makatanggap ng text message mula kay Katerina na may importante itong lalakarin kasama ng

kadarating pa lang sa bansa na manager nitong si Elaine. Kaya hindi na muna ito makakatugtog mula

alas-dyes hanggang alas-dose ng tanghali.

Ayon kay Katerina, hahabol na lang daw ito sa second set ng pagtugtog na alas-sais ng hapon

hanggang alas-dyes ng gabi. Pumayag na rin siya tutal naman ay nakabalik na mula sa honeymoon

nito ang business partner niyang si Luis na siyang hahalili na muna sa dalaga. Marunong rin itong

tumugtog.

Besides, Brett found it a good idea not to see Katerina for the next couple of hours. Dahil nalilito na

siya sa samu’t saring nararamdaman tuwing kasama niya ito. With her, everything seems… in place. At

ikinatatakot niya iyon. When he offered her his friendship three months ago, he was sure that it would

benefit the both of them. Sa nakalipas na mga buwan ay napatunayan niyang hindi nga siya

nagkamali.

Dahil unti-unti, pakiramdam niya ay nakakalimot na siya. It was Katerina’s forte. He tends to forget

almost everything when she’s around. Ang alam niya na lang ay kuntento at masaya siya. Pero hindi

niya inaasahan ang biglang pamamakialam ng kanyang puso. Hindi niya alam kung kailan nagsimula

ang hindi niya mapangalanang damdaming iyon. Ang alam niya lang ay hindi niya nagugustuhan ang

mga humahangang tingin rito ng ibang mga lalaki pati na ang ilang mga bulaklak na natatanggap nito

mula sa mga customer nila.

Three months ago, Brett was sure that all he wanted was to befriend Katerina but three months after,

he was beginning to doubt it.

Damn it! Naiinis na sumandal siya sa kanyang swivel chair at nahahapong ipinikit ang kanyang mga

mata. “Whatever this feeling is, it’s gonna drag me straight to hell!”

“Ang alin?” Napadilat siya nang marinig ang naaaliw na boses na iyon ni Luis. Lalo siyang nainis nang

hindi man lang namalayan ang pagdating nito. “Is this about our infamous pianist?”

Marahas siyang napabuga ng hangin nang maulinigan ang panunukso sa boses nito. Mag-iisang

linggo na rin mula nang makilala nito si Katerina. Sa loob ng maikling sandali ay nakagaanan na nito

ng loob ang kaibigan niya.

“Stop it, man.”

Tumaas ang sulok ng mga labi ni Luis. “Mukha naman siyang mabuting tao, Brett. May bonus ka pa

dahil supermodel siya.” Ngumisi ito. “Isa-isahin nga natin ang mga sintomas. Una, nagseselos ka

kapag may lumalapit sa kanyang iba. Pangalawa, mahuli lang siya nang ilang minuto sa trabaho, nag-

aalala ka na, tinatawagan mo na siya agad. Pangatlo, hinahatid-sundo mo na siya mula nang malaman

mong may nag-alok sa kanyang maghatid na customer noong isang araw. Pang-apat at ang

pinakamahalaga sa lahat, nagla-lie low ka sa panlalapa ng tao kapag nasa paligid siya.”

Parang namamanghang lumapitsi Brett sa kanya at pinakatitigan siya. “Nagmamahal ka na nga, bro!

Congrats, normal ka na!”

Nanigas siya sa kinauupuan. Nang makabawi ay natetensiyon na umiling siya. “I’m not in love with her,

Luis.”

Umarko ang isang kilay nito. “Fine, convince yourself until you’re finally convincing.”

Kumakabog ang dibdib na tumayo siya. “Kilala mo ako, Luis. I live in a world where love doesn’t exist.

That freaking four-letter-word is just a prelude to a never-ending agony.” Maanghang na sinabi niya.

“Katulad nang nangyari kay Papa.”

Pero kinagabihan, nang sumapit ang alas-otso at wala pa rin si Katerina ay nag-aalalang naghintay na

siya sa pagdating nito sa labas, ramdam na ramdam niya ang mabilis na pagpintig na namang iyon ng

kanyang puso na agad rin niyang nalimutan nang makitang may ibang lalaki itong kasama na siya

pang naghatid rito.

At nang makita niya itong ngumiti sa estranghero, ang ngiting sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay

hindi niya maintindihan kung bakit pinananabikan niyang makita ay na-realize niyang… tinamaan na NôvelDrama.Org holds © this.

nga siya. Heck!

He was on stage every single day, hiding behind his ogre mask, pretending he was alright. But it only

took a few moments with her and he had to stop the act. Dahil ngayo ay kailangan niya nang aminin sa

sariling nalulungkot siya at miserable siya. At tanging si Katerina lang aang makakapawi ng lahat ng

iyon.

But looking at her right now, two new feelings came into the surface, that ache in his heart for the

woman who was now walking towards him and that fear that overwhelmed him. Dalawang mga rason

kung bakit ayaw niyang magmahal at magpasakop sa isang tao.

Nag-aalalang lumapit sa kanya si Katerina. “Brett, si Andrei ‘yon. Nakilala ko lang siya nang-“

“It doesn’t matter. You’re late.” He formally replied though what his heart really wanted to say was… I

love you, Kate. And seeing you with someone else matters… so damn much because it hurts.

NANG MATAPOS na sa pagtugtog si Katerina ay kinakabahang nagpunta siya sa opisina ni Brett.

Nang makailang katok na siya pero wala pa ring sagot mula sa loob ay lakas-loob na binuksan niya na

ang pinto.

Parang may mga maiinit na kamay na humaplos sa kanyang puso nang makitang nakapikit si Brett

habang nakasandal sa swivel chair nito, may nakasuot na headphones sa magkabilang tainga nito.

Unti-unting sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi niya kasabay nang unti-unti ring pagbagal ng

paghakbang niya patungo rito. Napakagwapo talaga nito.

For the past months, Brett allowed her to see the real man behind his tough façade. At ang mga nakita

niya ay malayong-malayo sa Shrek na pagkakakilala ng mga tao rito. He cares. He just had a different

way of showing it. May malasakit ito sa mga tao at natatakot itong ipakita iyon dahil natatakot itong

abusuhin ito at masaktan katulad ng naranasan ng ama nito.

What others see in him were just the tiny bits of him because he could not risk revealing too much.

Gusto ni Brett na ang palaging nakikita ng mga tao rito ay ang katapangan at katatagan nito para

mapagtakpan ang kahinaan nito at ang mga insecurities nito. Dahil ipinakita ni Brett sa kanya kung

sino talaga ito ay nakilala niya na ito nang husto. She now knew him enough for her to say that the

more he showed strength, the more pain he felt inside.

Napahawak siya sa dibdib niya na madalas ay nagwawala kapag naiisip o nakakasama niya ang

binata. She would always be proud by that rapid beating of her heart because that feeling gave her a

new sense of direction. Iyon ang dahilan kaya nang magkita sila ni Elaine ay tinanggihan niya na ang

inaalok nitong panibagong kontrata. Brett unconsciously made her stop wandering around.

Noong una, ang akala niya ay nakikita niya lang ang sarili sa kanyang Boss kaya gusto niya itong

tulungan. She wanted to return the favor. Pero isang araw ay na-realize niyang hindi na pala isang

malaking utang-na-loob ang dahilan kung bakit gusto niya itong palaging nakikita, naririnig at

nararamdaman. Dahil mahal niya na pala ito.

At ikatutuwa niya kung malalaman niyang totoo ang basa niyang nagselos si Brett kay Andrei kaya

balik na naman ito sa pagiging suplado, isang bagay na ibinulong rin sa kanya ng kaibigan nitong si

Luis bago siya nagpunta sa opisina.

“I really don’t want to fall in love, Luis. Pagkatapos nang ginawa ni Mama at nangyari kay Papa, ayoko

nang sumugal. Nakakatakot. Nakakawala ng sarili.” Napapitlag siya sa biglang sinabi ni Brett na iyon.

Nakapikit pa rin ito pero inalis na ang headset. Weariness was visible in his voice. And her heart went

out for him. “Kung sa ’yo ba pare, nangyari ‘yon, magmamahal ka pa rin?”

“Aba, siyempre, magmamahal pa rin ako.” Masuyo niyang sinabi. Lumawak ang pagkakangiti niya

nang mabilis na dumilat ang kanyang Boss at gulat na napatitig sa kanya. “Ang dami kayang benefits

ng pagmamahal. Matututo ka, magkakaroon ng kahulugan ang buhay mo, araw-araw kapag kasama

mo siya, para kang lumaklak ng sangkaterbang energy drink. Mapapangiti ka at… sasaya ka.”

He looked away. “Pero masasaktan ka.”

“And once again, matututo ka. It’s not love without pain, Brett.”

BRETT breathed sharply upon hearing the tenderness in Katerina’s voice. Umasa rin noon ang

kanyang ama, nagmahal, natuto nga pero huli na. At ang sakit na naranasan nito ayaw niyang

pagdaanan rin. Kanina pa nga lang na nakita niya si Katerina na may kasamang iba ay nagselos at

nasaktan na siya nang ganoon, paano pa kaya sa mga darating na panahon?

He had to do something. This had to stop.

“Umuwi ka na, Katerina.” Walang emosyong sinabi niya nang humarap rito.

“Makinig ka muna.” Nagsusumamong sinabi nito. “Si Andrei, nakilala ko lang siya sa shopping mall

noong namili ako para sa mga libro ng mga bata sa orphanage. Nagkataon lang na nauna na si Elaine

kaya hindi niya na nakilala si Andrei. Tinulungan lang ako ng tao nang may makakilala sa akin roon-”

“So am I supposed to care?” Malamig niyang sagot. “Kung wala ka na rin lang importanteng sasabihin,

umalis ka na.”

“Hiding inside your mask again, Shrek?”

Sandali siyang natigilan bago niya naikuyom ang mga kamay. Hindi na siya sumagot pa. Akmang

ibabalik niya na lang ang kanyang headphones nang sorpresahin siya ng mga sumunod na sinabi ni

Katerina. “Fine, I was hoping that like Shrek and Fiona, we could discover that we have our own

similarities, too, that we could fall in love, too. Kasi ako, mahal na kita, Brett. Noong una, akala ko

gusto lang kitang tulungan. But I fell in love with you along the way.”

Nanatili lang siyang gulat na nakatitig sa dalaga na ikina-frustrate naman nito. “Ano? Kung ire-reject

mo ako, sabihin mo. Magsalita ka naman.” Tumulo na ang mga luha nito. “Alam mo ba kung gaano

kahirap magtapat kapag babae ka? ‘Tapos nganganga ka lang dyan? Nakakasakit ka na,

nakakainsulto ka pa.”

Hope rose in his heart. Unti-unti siyang napangiti. Hindi niya alam na ganoon lang pala kadali iyon, na

sa kabila ng takot niyang magmahal at masaktan ay mapupuspos pa rin ng pag-asa ang puso niyang

sumubok dahil sa assurance na dulot ng pagmamahal nito.

Love was all over Katerina’s deep blue eyes. My God… she could be more than the Fiona that she was

talking about. Heck, she was a multi-talented supermodel who fell in love with an ogre, a very lucky

ogre.

“At ngayon naman, ngingiti ka dyan? You’re impossible, Brett.” Tinalikuran na siya nito.

Maagap namang napatayo siya sa kanyang upuan at inilang-hakbang lang ang pagitan nila. Kasabay

nang pagpigil niya sa braso ni Katerina ay ang pagkabig niya sa baywang nito dahilan para gulat na

mapaharap ito sa kanya.

Nagtatanong ang mga mata ng dalaga. Unti-unti naman siyang napangiti uli. “Yes, Kate. I’ve become

like my father. I fell in love, how pathetic of me.” Maingat niyang pinunasan ang mga luhang naglandas

sa pisngi nito. “And I’m sorry. I was just jealous. Kasi itong tinatawag mong Shrek na ‘to, mahal na

mahal ka.”

Softly, he crossed the distance between their lips as the entire world began to spin. Habang nakapikit

ang mga mata ni Brett, tuluyan niya nang naunawaan kung bakit maraming nagmamatapang na

sumubok sa pagmamahal. Because the moment he felt her soft lips brushed against his, he had

forgotten why he didn’t want to fall in love in the first place.

Nang dumilat siya, pinakatitigan niya ang anyo ng babaeng nagpamulat sa kanya ng salitang pag-ibig.

Habang pinagmamasdan niya ang payapa at nakapikit na anyo nito, pakiramdam niya ay sasabog ang

dibdib niya.

Nang maghiwalay ang kanilang mga labi, idinikit niya ang noo niya sa noo ni Katerina. “In this playful

world, you’ve managed to keep me sane.”


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.