Kabanata 55
Kabanata 55
Dapat ba siyang bumalik sa kanya?
Iniangat ni Madeline ang kanto ng kanyang labi at ngumit bago malambing na sabihin, "Sige."
Pagkatapos niyang magsalita, lumingon siya at tumingin kay Meredith. Sa sandaling ito, kasing itim ng Property © 2024 N0(v)elDrama.Org.
uling ang mukha ni Meredith at medyo mahigpit na nakatikom ang kanyang labi. Inis na inis siya na
halos durugin na niya ang kanyang mga ngipin.
Subalit, ang pagkasalungat ng kanyang itsura ang pinaka ikinatuwa ni Madeline. Malapit na siyang
sumabog, ngunit ayaw niya pa ring sirain ang imahe niya bilang isang mahinhin at mapagmahal na
babae.
Nakita ni Madeline na palapit si Jeremy kay Meredith. Siguradong balak niyang damayan ang
mapagpanggap na pokpok na ito.
Mula sa malayo, nakita no Madeline na hawak ni Meredith ang kanyang anak habang kaawa-awang
lumalapit kay Jeremy.
"Jeremy, takot na takot ako na baka saktan ulit ako ni Maddie pati ang anak natin. Nasa kulungan siya
sa loob ng tatlong taon, at mukhang mas malaya na siya ngayon." Reklamo ni Meredith kay Jeremy.
"Jeremy, di mo naman kinalimutan ang pinangako mo sa akin noong bata pa tayo diba? Sinabi mo na
pakakasalan mo ako at iingatan mo ako habang-buhay."
Inakala ni Madeline na wala na siyang pake kahit na lumapit pa si Jeremy sa ibang babae, ngunit ang
makita lamang sila na nag-uusap nang ganito kalapit ay parang may dumudurog na sa puso ni
Madeline. Halos hindi na siya makahinga.
Subalit, hindi siya naniniwalang pagmamahal ito. Ito ay purong galit.
Kinamuhian niya ang magkasintahan. Pinatay nila ang kanyang anak sa makasarili at malupit na
paraan ngunit napakasaya at panatag pa rin nila.
Hindi niya hinintay na bumalik si Jeremy. Tumawag siya ng cab sa tabi ng kalsada at umalis nang hindi
lumilingon.
Hindi nagtagal, nakatanggap si Madeline ng tawag mula kay Jeremy. Kahit na pinalitan na niya ang
kanyang numero at hindi kinuha ang numero nito, ang mga numerong kabisado na niya sa kanyang
puso ay parang mga karayom na tumutusok sa kanyang mga mata.
Hindi sumagot si Madeline at nakatatlong tawag si Jeremy. Pinanood lang ni Madeline na umilaw ang
screen bago ito muling dumilim. Nakaupo siya sa loob ng taxi at tila ba nakikita niyang lumiliwanag at
dumidilim ang kanyang buhay nitong nakaraang mga taon. Sa huli, napunta siya sa isang buhay na
puno ng dilim.
Ilang beses ba siya umasa na magugustuhan at aalagaan siya nito kahit kaunti man lang? Ang
pagkadismaya na naipon niya ay nagsama-sama na sa isang bundok ng kagipitan.
Inilapag ni Madeline ang kanyang kamay sa kanyang dibdib. Ang sakit sa puso ay malakas pa rin.
'Pero Jeremy, di na ito ang pagmamahal ko sa iyo. Sa halip, ito ay poot!'
…
Nagpatulot si Madeline sa paghahanap ng trabaho, subalit paulit-ulit siyang nabibigo.
Kapag magpatuloy ito, matatapos na ang kanyang buhay.
Kinausap ni Madeline si Ava at sinabi sa kanya na nais niyang umalis sa Glendale upang pumunta sa
ibang siyudad at magsimula muli. Subalit, hindi na siya magkakaroon ng pagkakataong maipaghiganti
ang kanyang anak.
Upang makapaghiganti, kinailangan niyang mas patatagin ang kanyang sarili.
Sinabi ni Ava kay Madeline na kahit ano pang gawin niya, susuportahan niya ito. Inilabas pa ni Ava ang
kanyang naipon sa loob nitong nakaraang mga taon at ibinigay ang lahat ng ito kay Madeline.
Tumanggi si Madeline. Walang sinuman sa mundong ito ang dapat na makuha ang kanilang pera nang
libre.
Nag-impake siya nang magaan at nagpareserba ng isang high-speed rail ticket papunta sa kasunod na
siyudad. Sa sandaling lumabas siyang dala ang kanyang maleta, nakita niyang huminto ang isang
pamilyar na kotse sa harapan niya.
Matikas na lumabas si Jeremy sa kotse. Nang makita niya na aalis si Madeline, lumapit siya nang
matipuno. "Saan ka pupunta, Mrs. Whitman?"
Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Madeline. Pinisil niya ang hawakan ng kanyang maleta at pekeng
ngumiti. "Mas mabuting tanungin mo ang walang-hiya mong kabit kung anong ginawa niya parai ako,
na asawa mo, ay hindi makakain nang maayos."
Bahagyang nagbago ang ekspresyon sa mga mata ni Jeremy. Biglang inabot niya ang kanyang kamay
at hinila si Madeline papasok sa kotse.
Kasinungalingang sabihin na hindi siya takot, lalo na nang dumikit ang balat nito sa kanya. Nanginig
siya sa mainit na hawak nito.
Kaagad na nagpumiglas si Madeline. "Jeremy anong ginagawa mo? Bitawan mo ako!"