Kabanata 53
Kabanata 53
Nanatili sa kanyang taenga ang mababa at malalim na boses mi Jeremy at bumilis ang tibok ng piso ni
Madeline. Subalit, wala na ang pag-aasam na mayroon siya noon. Natabunan na ng galit niya kay
Jeremy ang dating pagmamahal niya para dito.
Di inasahan ni Madeline na ayos lang kay Old Master Whitman na nakulong siya sa bilangguan sa loob
ng tatlong taon. Sa halip ay malumanay nitong sinabi kay Madeline na magbagong-buhay siya at
mamuhay ng masaya kasama si Jeremy.
Halatang makalumang tao ang old master. Kaya malamang ay magagalit siya sa kanyang apo sa
paggawa ng ganitong krimen. Subalit sa sandaling ito, nagulantang si Madeline. Nahabag siya at
tumanaw ng utang ng loob.
Naalala rin niya sa old master ang kanyang lolo na yumao. Pareho silang napakabuting mga tao.
Kumain si Madeline ng hapinan sa Whitman Manor. Ramdam na ramdam niyang ang lahat ay
kinukutya siya bukod sa old master, lalo na ang nanay ni Jeremy.
Pag-alis ng old master, mapangkutyang tinignan ng nanay ni Jeremy si Madeline. "Kung matalino ka,
magkusa ka dapat na magmungkahi ng divorce at huwag nang sumagabal sa kasalan ni Jeremy at
Meredith."
Napakamapangmata niya at ang baba ng tingin niya kay Madeline.
"Pinatay mo na nang isang beses ang anak ni Meredith. Kung may konsesya ka, kaagad mo na dapat
hiwalayan si Jeremy."
Unti-unting naunawaan ni Madeline ang nangyayari. Tinignan niya si Jeremy. Umupo siya sa isang tabi
at di nagsalita. Halatanh ito ang kanyang binabalak.
Gusto niyang humalakhak nang malakas. Matapos pag-isipan ito nang matagal, napagtanto na niya na
wala silang lakas ng loob na suwayin ang old master kaya gusto nila na siya ang magmungkahi na
makipaghiwalay.
Pagkatapos, sakto ang dating ni Meredith habang dala ang isang batang lalaki na namumula ang
pisngi.
Kumirot ang puso ni Madeline. Nang tignan ang mapula at maamo nitong mukha, naalala niya ang
anak niyang babaeng namatay.
Tinignan niya ang batang nakatayo sa tabi ni Meredith at pakiramdam niya parang sinaksak ng kutsilyo
ang puso niya.
Kung di lang namatay ang ansk niya, ganito na sana ito katanda ngayon.
Biglaan nagkaroon ng matinding pag-aalinlangan sa kanyang puso.
Nang makita ang nagdidiwang na mukha ni Meredith, ngumit si Madeline. "Bakit naman ako
magkukusa na makipaghiwalay?"
Nang tanungin niya ito, napawi ang ngiti sa mukha ni Meredith.
Nakakagulat na kalmado ang reaksyon ni Jeremy. Interesado siyang sumulyap kay Madeline at di
nagsalita.
Medyo ilang si Madeline sa kung paano siya tignan nito. "Jeremy, di kita hihiwalayan. Kung hindi,
paano ako magiging karapat-dapat sa lahat ng bagay na ginawa ko para makasama ka sa kama?" Property of Nô)(velDr(a)ma.Org.
Sadya niya itong sinabi para mandiri sila Meredith na hindi na makapaghintay na hiwalayan siya ni
Jeremy.
"Madeline! Paano mo nagagawang maging ganito kababa? Wag kang masyadong makapal ang
mukha!" Galit sa sinabi ng nanay ni Jeremy.
Walang pakialam si Madeline. Pinanood niyang dumilim ang paningin ni Meredith.
Halatang masama ang loob ni Meredith, ngunit wala siyang magawa. Inosente at malumanay niyang
sinabi kay Madeline, "Maddie, patawad, kasalanan ko ang lahat ng ito. Sa kabila ng lahat ay kasal pa
rin kayo ni Jeremy. Ako ang sumosobra dito."
"Kung alam mong sumosobra ka na, bakit di ka na lang lumayo? Nagmamalaki ka bang naakit mo ang
isang pamilyadong lalaki?" Di naghinay-hinay si Madeline kay Meredith.
Nagulantang si Meredith at makikita sa kanyang mukha na nailang siya. Pagkalipas ng ilang segundo,
tumakbo siya palabas habang malungkot na tinatakpan ang kanyang mukha.
"Mommy." Nang makita ang pag-alis ni Meredith, nakakatuwang sumunod ang bata sa kanya.
Sawa na si Madeline na makitang gumagawa ng eksena si Meredith, ngunit sa kasamaang-palad,
tumatalab pa rin ito sa mga taong ito.
Nanlulumo na tumingin si Jeremy kay Madeline bago tumalikod at sumunod kay Meredith. Naglakad
din palayo ang nanay ni Jeremy habang bumubulong.
Umalis si Madeline ngunit hindi niya inasahang makakasalubong niya ang anak ni Meredith at Jeremy
sa sandaling lumabas siya.
Nang makita ang maayos at mala-anghel nitong mukha, nadurog ang puso ni Madeline.
Bakit walang pakundangang sinunog ang kanyang anak habang gustong-gusto ng lahat ang anak ni
Meredith?
Hindi patas!
Tinikom ni Madeline ang kanyang kamao at hindi mapigilan ang apoy ng poot sa kanyang puso.
Naglakad siya patungo sa bata.